habang nasa kulob akong kwarto na pinapalamig ng luma kong ercon na gamit ko pa nung elementary pa ako (ilang beses ko na plano palitan to, goldstar pa ang brand, binili sa duty free, pero dahil lagi tong huli sa priority sa budget gang ngayo eto parin ang gamit ko), rinig ko padin ang mga nagpuputukang papel at pulbura a kung hindi nagpapangiti at tawa sa mga batang inuubos ang napamaskuhan sa mga tigpipisong paputok na binebenta sa mga tindahan dito sa amin. di ko na alam kung saan iraraos ni mang romy ang bagong taon, pero tingin ko nung bata bata pa si mang romy naging masaya din ang mga bagong taon niya.
kung ako si mang romy, eto gagawin ko sa bagong taon:
alas 5 ng hapon , Disyembre 31
maliligo na ako. marahil mag-isa lang ako sa vinzons nito o kahit may security guard (hindi ako sigurado, kelan ba nawalan, si mang romy lang talaga makaka-alam niyan). suotin ko yung pinaka bago kong damit, isang puting polo, lumang slacks. magsusuklay ng buhok. dapat yung flat na flat. mahirap ng pangit sa bagong taon.
alas 7 ng gabi,
may naipon akong konting pera. makabili ng fried chicken sa likod. konting lakad pero maabot ko din yan.
alas 11,
aakyat ako sa vinzons rooftop. dito ko sasalubungin ang bagong tao.
11:59:01
huling minuto ng taon. masaya ang buong mundo. naisip na ba nila? na hindi naman talaga sabay sabay ang bagong taon.(kung susundin ang international date line ay sa Caroline Island) kasi hindi naman talaga parepareho ang oras sa iba't ibang lugar sa earth. e bakit pa kelangan ng countdown?
11:59:05
nagsisimula na ang putukan. kitang kita sa bawat bintana ng vinzons rooftop ang lahat ng nagpapaputok sa paligid ng campus. magandang mga ilaw. iba't ibang kulay, titigil ng ilang segundo ang oras ni mang romy dahil sa pagkamangha sa mga nakikita.
11:59:50
huling sampung segundo ng taong 2010. hindi ako hihinga. magiisip ako ng masaya.
11:59:55
pipikit na ako. iisip na marami ang magbabago sa susunod na taon.
11:59:59
ngingiti ako.
12:00:01, Enero 1 2011
didilat ako. bagong taon na. at tapos na ang sampung segundong pangarap na may bago nga talaga sa papasok na taon. hahanap ng pweste san hindi rinig ang putukan, hahanap ng mahihigaan at matutulog na dahil sa umaga haharap nanaman tayo sa katotohanan.
dahil ang tunay na pagbabago. hindi naman talaga nakakamit sa pag-usad ng araw buwat at taon. ito ay nakakamit sa pag-usad ng lipunan mula sa luma patungo sa isang bagong sistema.
ang tunay na pagbabago. hindi naman talaga nakakamit sa pag-usad ng araw buwan at taon. ito ay nakakamit sa pag-usad ng lipunan mula sa pagwasak ng luma at pagtatag ng isang bagong sistema. :)
ReplyDelete