Thursday, December 30, 2010

Bagong Taon 2011

Bagong taon, ilang oras na lang. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si mang romy. huli nung dumaan ako ng vinzons para magwidthraw at makipagkita sa ilang kaibigan na kung hindi enrolled ay tibak sa peyups.

habang nasa kulob akong kwarto na pinapalamig ng luma kong ercon na gamit ko pa nung elementary pa ako (ilang beses ko na plano palitan to, goldstar pa ang brand, binili sa duty free, pero dahil lagi tong huli sa priority sa budget gang ngayo eto parin ang gamit ko), rinig ko padin ang mga nagpuputukang papel at pulbura a kung hindi nagpapangiti at tawa sa mga batang inuubos ang napamaskuhan sa mga tigpipisong paputok na binebenta sa mga tindahan dito sa amin. di ko na alam kung saan iraraos ni mang romy ang bagong taon, pero tingin ko nung bata bata pa si mang romy naging masaya din ang mga bagong taon niya.


kung ako si mang romy, eto gagawin ko sa bagong taon:

alas 5 ng hapon , Disyembre 31

maliligo na ako. marahil mag-isa lang ako sa vinzons nito o kahit may security guard (hindi ako sigurado, kelan ba nawalan, si mang romy lang talaga makaka-alam niyan). suotin ko yung pinaka bago kong damit, isang puting polo, lumang slacks. magsusuklay ng buhok. dapat yung flat na flat. mahirap ng pangit sa bagong taon.

alas 7 ng gabi,

may naipon akong konting pera. makabili ng fried chicken sa likod. konting lakad pero maabot ko din yan.

alas 11,

aakyat ako sa vinzons rooftop. dito ko sasalubungin ang bagong tao.

11:59:01

huling minuto ng taon. masaya ang buong mundo. naisip na ba nila? na hindi naman talaga sabay sabay ang bagong taon.(kung susundin ang international date line ay sa Caroline Island) kasi hindi naman talaga parepareho ang oras sa iba't ibang lugar sa earth. e bakit pa kelangan ng countdown?

11:59:05

nagsisimula na ang putukan. kitang kita sa bawat bintana ng vinzons rooftop ang lahat ng nagpapaputok sa paligid ng campus. magandang mga ilaw. iba't ibang kulay, titigil ng ilang segundo ang oras ni mang romy dahil sa pagkamangha sa mga nakikita.

11:59:50

huling sampung segundo ng taong 2010. hindi ako hihinga. magiisip ako ng masaya.

11:59:55

pipikit na ako. iisip na marami ang magbabago sa susunod na taon.

11:59:59

ngingiti ako.


12:00:01, Enero 1 2011

didilat ako. bagong taon na. at tapos na ang sampung segundong pangarap na may bago nga talaga sa papasok na taon. hahanap ng pweste san hindi rinig ang putukan, hahanap ng mahihigaan at matutulog na dahil sa umaga haharap nanaman tayo sa katotohanan.

dahil ang tunay na pagbabago. hindi naman talaga nakakamit sa pag-usad ng araw buwat at taon. ito ay nakakamit sa pag-usad ng lipunan mula sa luma patungo sa isang bagong sistema.

Tuesday, December 28, 2010

facebook status ni mang romy.

Kule: Mang Romy, ano ang sinasabi ng puso mo tungkol kay Mila Polinar? Mang Romy: Hindi naman nagsasalita ang puso e. Kule: Ano ba ang ginagawa ng puso? Mang Romy: Nagmamahal.


Ang sweet. :)



facebook status ni mang romy. (April 30 2010 9:30am)

pengeng lima

madalas pag nakikita ako ni mang romy sa vinzons hall kung hindi hihingi yan ng tissue e limang piso. ako naman madalas manuro ng iba para hingan ni mang romy. dahil nakatira sa vinzons na walang kabuhayan dito umiikot ang buhay ni mang romy. umiikot lang sa palima limang piso o pagkaing ibinibigay ng mga estudyante o kawani na nakakasalamuha niya sa vinzons.

pero sa kalakhang bahangi ng bansa, hindi lang naman si mang romy ang nabubuhay araw araw ng ganito. maswerte pa nga ata si mang romy dahil may ilang palapag na building na pwede niyang tawaging tahanan. ilang libong pilipino sa ngayon ang nakatira sa mga kalsada, ilalim ng tulay at kung saan saang sulok ng kamaynilaan na nabubuhay sa gutom. mas marami pa nga ang mga nasa kananayunan, nabubuhay na walang kuryente, malayo sa mga sementadong kalsada at sa modernong lunsod. sa mga matatanda ng tulad ni mang romy, swerte pang may mga estudyanteng nagaalaga sa kanya pero madami na rin akong nakitang matanda ang namamalimos sa daan o kaya nagaararo padin ng lupang kahit mula pagkabata ay tinataniman na pero hanngang sa ngayon ay hindi pa rin napapasakanya.

habang sinusulat ko to nasa opisina akong malamig. lahat ingles magsalita. binabayaran ako ng kulang isang daan piso kada oras. walong oras kada araw. walang katulad ni mangromy dito pero may lola sa labas na nakaupo sa sulok na binibilhan ng yosi ng mga empleyadong naninigarilyo kada break time. mahina na siguro baga ni lola kasimadalas ko na syang nakikita na ngayon na naka facemask para hindi makasinghot ng mga nagyoyoyosi sa tabi niya.

may nagtanong sa akin sa facebook kung saan kaya nagpasko si mang romy. mas naisip ko pano kaya ang bagong taon ni mang romy. siguro kung ako si mang romy,dun ako uupo sa rooftop ng vinzons, manunuod ng mga paputok na kung sana ay ibinili na lang ng masarap na hapunan para kay mang romy, sa libo libong matatanda at mga pulubi na nagugutom araw araw. maganda sa mata. pero hindi nakakapawi ng kalam sa sikmura.

Sunday, December 26, 2010

pogi ka ba?

napansin niyo ba? andaming pogi ngayon.

si mang romy di mo makikitang magulo buhok, mabaho ang suot na damit at madumi ang katawan. sa totoo, sa ilang taon ko ata sa peyups andalas ko makita si mang romy na bagong paligo at nagsusuklay ng buhok. di ko padin nakitang walang pomada ang buhok ni mang rommy.

sa ngayon dumadami ang mga tinatawag na metrosexuals, mga sobrang vain na lalaki. uso na ngayon yung mga pampaganda o pampapapogi na panlalake gaya ng facial wash for men, lotion for men, at kung ano ano pana dating sa babae lang pwede ibenta. naalala ko nung kelangan ko bumili ng concealer para sobrang eyebags ko, natawa ako dahil nahihiya pa ako bumili pero parang sanay na yung sales lady sa tulad kong nagiinarte sa ichura.

bakit ganito?

sa ngayon kahit san ka pumunta, makakakita ka ng napakaraming ads. sa tv, sa celphone, sa radyo, sa kalsada, sa tshirt ng katabi mo sa jeep, at kung saan saan pa imposibleng hindi ka malunod sa nakakaengganyong nilalaman ng mga kumersyal na ito na madalas naman ipinapakita kung gano kadali ang mabuhay kung gagamitin mo ang produkto nila. halimbawa, kapag gumamit ka ng facial wash madali kang pagkakaguluhan ng mga babae at hindi ka magiging SMP. pero kung hindi mo ito nagawa bago dumating ang pasko ayos lang dahiil kahit SMP ka, may iced tea naman na pedeng pampalubag ng loob. umiikot ang buhay natin sa mga produktong nakikita sa ads. hanggang sa umabot na kelangan na nating gamitin ang mga bagay na hindi naman kailangan talaga para mabuhay dahil lang nakakaengganyo ang mahabang buhok ng model ng shampoo o mapapasayaw ka sa indak ng pinakasikat na jinggle ng isang ad.

bumibili tayo dahil sa ads hindi dahil sa pangangailangan na advantage naman sa may ari ng mga kumpanya dahil mas amrami ang bibili sa kanila, e mas malaki ang kanilang kita.

hinuhubog tayo hindi sa kung ano ang gusto natin kundi kung ano ang mas advertized na produkto sa market. syempre mas appealing ka pag mas makinis ang mukha mo o kaya kung mas mahaba o shiny ang buhok mo. kelan ba pumatok sa market ang suot ni melay?

sa dulo't dulo nagiging produkto tayo ng kagustuhang kumita ng mga korporasyong ng bebenta ng mga kalakal na hindi naman talaga kailangan ng tao.
pogi ka nga, ano naman pinagkaiba mo sa burger sa mcdo na masarap dahil may pangalang mcdo?

kaya ako, boto padin kay mang romy. kahit hindi sunod sa uso. pogi parin.

Sino ba si mang romy?

Nakilala ko si mMang Romy ng unang beses ako umapak sa Vinzons Hall, siguro mga mahigit na apat na taon narin ang nakaraan. Sikat sya sa mga aktibista, fraternity at sorority member, varsity, professor o kahit na sinong napapadpad sa bulding na ito sa UP Diliman. Una, natakot ako. Nag-isip na baka ako lang ang nakakakita sa matandang ito. Pero nung nakita ko syang lumapit sa isang babae sa may bench sa likod ng ATM, naniwala na akong buhay siya. Nanghingi pa nga sya ng limang piso nuon sa isang babaeng parang kilalang kilala niya. D'yan kilala si mang romy, kung hindi limang piso ay tissue naman ang hihingin sayo. Madami na rin akong nabasang articles na nasulat tungkol kay mang romy, dun sa kule, peyups, facebook, at kung saan saan pang pwede magpost ang kahit na sinong makahalubilo ni mang romy.

Masaya kasama si mang romy, naalala ko na nakikipagkwentuhan ako sa kanya. Halos wala ako maintindihan pero alam mo na masaya yung matanda na may nakikipag-usap sa kanya at dahil duon naging masaya na din ako. Ilang batch na kaya ang napagdaanan ni mang romy sa UP? minsan naiyak ako nung nagkasakit sya at sa tulong ng kule, napagamot naman sya kahit papano. Madali talaga tayong memories with mang romy.

Si mang romy, pag may gusto sabihin, sinasabi niya, Close sa lahat. Walang pagpapanggap. Siguro nga kung malakas pa siya sa ngayon, sumama siguro sya sa mga tibak na araw araw nyang nakakasama sa Vinzons. At kung makakausap mo si mang romy, ng matino, andami dami niya sigurong chismis na sasabihisa'yo.(sa xboyfriend ng professor mo ngayon sa artstudiess at bakit ngayon single pa din s'ya, pano nagkakilala sa bench na yan ang nanay at tatay mo, mga nahuli nyang gumagawa ng milagro sa rooftop at kung ano ano pa)

Dito sa planetromy, subukan nating pagusapan ang mga bagay bagay na madalas na hindi pinapansin gaya ng ating star, si mang romy. Mga bagay na hindi napapansin kahit malaki naman pala talaga ang epekto nito sa bawat isa sa atin. Subukan nating halukayin ang puno't dulo ng bawat issue.

Malugod ko kayong tinatanggap sa isang bagong blog.
Isang bagong kabanata ng aking buhay.
Ang PLANET ROMY.