Tuesday, March 19, 2013

bagong taon: bagong simula

birthday ko ngayon. gaya ng dati hindi naman masyadong puno ng activities tong araw na to. mas pinili ko pa nga mag-celebrate ng ako lang mag-isa. gusto ko ng alone time for realization, soul searching at kung ano ano pa. sa nagdaang taon, parang may kulang sa buhay ko. may kaylangan akong gawin. may kaylangan akong balikan. aaminin ko simula nung nagkaroon ako ng bagong trabaho, mas lalo akong naging busy. kaya siguro yung mga nakagawian ko dati ay hindi ko na nagagawa. gusto kong umuwi. hindi ko alam kung saan.

sisimulan ko ulit mag-sulat. baka ito yung hinahanap ng katawan ko. sisimulan ko ulit mag-isip. 

at dahil birthday ko ngayon, madami akong pasasalamatan:
(mula sa mga facebook status ko)

Pasasalamat part1

Maraming salamat sa magulang ko dahil kung wala sa inyo di ako nabuhay. Alam ko marami tayong pinagdaanang tampuhan, away, at oras na walang pansinan. Sorry kung nagawa ko yun. Para sa daddy ko na ilang taon ng walang paramdam. Ayus lang yan, tatay lang naman kita at biogically connected lang tayo. 

Sa mommy ko na isa sa mga pinakamalaking contradiction sa buhay ko. Alam ko nahirapan ka sa akin hanggang ngayon dahil alam mong mas pipiliin ko ang bayan kesa sa pamilya natin pero sa kabila nun hindi ka sumusuko ka sa akin. Salamat.

Sa mga kamag-anak ko lalo na dun sa tingin sa akin ay black sheep. Wag kayo mag-alala naiintindihan ko kayo, pero maiintindihan niyo din ako.

Aaminin ko, malaki paring pagbabaka sa usapin ng pamilya ang pinagdadaanan ko, pero tandaan ninyo. Yung mga hayop nga may family instinct, tao pa kaya. Kung wala kayo di ako magiging ganito. Maraming maraming salamat.


Pasasalamat part2

Gusto ko din pasalamatan si CHARLES TAZE RUSELL, FRANK REED HORTON, KARL MARX, FRIEDRICH ENGELS, VLADIMIR LENIN, JOSEPH STALIN, MAO ZE DONG at JOSE MARIA SISON.... 

naging inspirasyon ang mga turo ninyo sa sa akin. Mula sa paradise on earth, ideals of leadership, friendship and service, dialectical materialism, armed struggle, cultural revolution at protracted people's war... Lalong lalo na sa National Democracy with the Socialist perspective... You guys widened my perspective in life. Made me strong, fierce and revolutionary. Thank you.


Pasasalamat part3

Gusto ko pasalamatan yung mga school pinasukan ko.

Garden Angels integrated School, divine Light high school, at syempre, University of the Philippines.

Gusto ko din banggitin ang Pambansa Demokratikong Paaralan at ang Paaralang Mao Ze Dong.

Sa mga teachers, schoolmates, staff ng mga paaralng ito. Kay Cynthia Caritativo, Dolores Fuentes, at sa mga naging Dean ko lalo na kay Dean National Artist Virgio Almario...

Alam kong naging malaking bahagi ang edukasyon sa buhay ko. Wala ang talinong ginagamit ko ngayon kung hindi ninyo ako tinulungan intindihin ang bawat aspekto ng pag-aaral. Ganun din yung mga klaseng kinuha ko sa kalsada, piket line, sa kabundukan at kung saan saan pa. Higit sa edukasyon sa paaralan ang nakuha ko mula sa inyo.

Ibabahagi ko ito buong buhay ko. Hanggang sa kamatayan :)



marami pa din ako gustong pasalamatan, yung mga kaibigan ko sa trabaho na laging nagpapatawa sa akin, mga kaibigan kong bakla, paminta, effem, top, bottom, versa, halaman at higad, mga tibak, fb friends, mga bashers, at kung sino-sino pa.

gusto ko sumulat ulit. at for sure. susulat ulit ako sa pananaw man ni mang romy o pananaw ko bilang tao. di ko pa ala. tignan natin.  

Sunday, July 22, 2012

Kamusta na ?

Kamusta na ba si mang mang romy? Sa totoo hindi ko alam. Ilang buwan na din ako hindi nagpupunta sa peyups. At nung huli ko pang punta ay sa Sarah's lang para makioag inuman sa mga lumang kaibigan. Sobrang naging busy dahilsa trabahong hindi ko maiwan iwan! So sa ngayon sasagutin ko muna yung mga issues lalo na yung nagpost sa chat box ko. Isang taong delayed ata yung reaksyon ko. Pero mabuti ng huli kesa wala. To fratBOY Malamang isa ka sa mga nakadaupang palad ko sa mundo ng mga frartenity sa UP Diliman. Sa totoo naging mahalaga at di ko naman talaga maikakaila na malaking bahagi ng college life ko yung panahong wala akong inisip ay gumawa ng projects para pabanguhin ang pangalan ng grupong kinasasalihan ko. O kaya panindigan yung mga sinumpaan kong ideya ng grupo ninyo. At minsan pa ngang tinalikuran ko ang pag aaral para sa barkadahan na ito. Naalala ko pa yung di mabilang na upos na yosi sa tinatambayan natin sa AS steps o yung ilang bote ng alak na iniinom natin sa loob at labas ng campus. Yung ilang gabing high sa juts at lasing sa alak. At yung iilang beses na napatunayan ko na hindi pala ako nag iisa sa grupo natin. Siguro galit ka o kung sino pa man kayo dahil pinost ko to sa mga blog ko. Dont worry I dont find your threats disturbing. Hanggang loob lang naman yan ng campus and Im totally out of it. Ggraduate din kayo and you'll find out that there is more than to being just a fratboy. Connections must be good but maturity is far more important. "An ounce of loyalty is worth a pound of cleverness" - pinagiisipan ko ito palagi. Mahalaga siguro yung loyalty to the cause, but being to loyal to someone who can't even cleverly handle situations like of mine. "the first high wind that comes along will blow you away and you will never know why" SONA ngayon, nasan kaya ang frat ko? O dati kong frat? Baka nagiinom kung saan o nagpapaka-high kung saan. Alam kong hinding hindi ninyo ko maiintindihan pero eto lang masasabi ko sa inyo: sino ba nagsabing intindihin ninyo ako?

Sunday, January 2, 2011

kung magmamahal ka, dapat mahal ka din nya. db?

sa mundo ng mga baklang romatiko, napakadali magmahal. madali magkaroon ng karelasyon. lalo sa internet. nandiyan ang mga social networking sites na para sa LGBT(Lesbian, Gay, Bisexual at Transexual). mga halimbawa tulad ng Downelink, Manjan, Bi out Loud, at kung saan ako miyembro ang Planetromeo. Dun ko din kinuha ang ideya para sa blog na ito.

Doon ko siya nakilala, si leo, siguro pagkatapos ni Jm*, siya yung karelasyon totoong nagpakilig sa akin. bago lang kami. wala pang isang linggo. pero parang nakikita ko na yung future kong kasama siya. hindi naman bago sa akin ang magkaroon ng karelasyon, hindi ko na nga mabilang kung ilan na yung nakilala, minahal,iniyakan o pinaiyak kong lalake/babae. hindi naman ako pogi o hot. magaling lang siguro ako makipag-usap. ilan na rin ang taong minsan ko lang nakita at minahal ng ilang oras sa kama. Hindi ko na nga maalala ang mga pangalan nila. Pero iba si leo, parang si Jm, ibang iba sa lahat ng mga nakaraan.

kaya nagpalit ako ng facebook status bago ko ipost ito. kung friend kita o chismoso lang talaga eto ang makikita mo sa facebook status ko:

kung magmamahal ka, dapat mahal ka din nya. db???????????????????
dahil hindi sakripisyo ang pag-ibig sa isang lipunang give and take ang uso. :)
(as of January 03, 8:20 am)

pero hindi ko alam kung gano tatagal ito. siguro ganun talaga magmahal sa isang lipunang pag may binigay ka, naghahanap ng kapalit. bullsh*t lagn yung nagsasabing self-less love. sa religion, kaya mo daw yan gawin with god. baliw ba sila? e bat may rules na dapat sundin? tithes? pag di mo nilove si god, sa ethernal death and wrath will be upon you. o kaya dahil masugid kang fan ni god na kung may facebook account siya e ni-like mo na lahat ng post niya, umaasa ka ng malupit na blessings. edi may kapalit pa din. diba???

simple lan, walang love na pagmamahal na hindi ka aasang mamahalin ka din. at wag ka umasa na magmamahal ka na hidni ka din masasaktan. wala pa ako kilala na pagmamahalang walang iyakan walang away at kung ano anong sh*t sa buihay.

sabi nga ni Pablo Neruda "Napakaikli ng Pag-ibig, napakahaba ng Paglimot.". Siguro nga napakahirap talaga lumimot. pero sa proseso ng paglimot, madami kang matutunan. Naalala ko nung nagbreak kami ni JM literal na gumuho ang buhay ko, ilang bese nagtangka magpakamay. ilang beses naglasing. ilang araw tulala. isang buwang iyak ng iyak.mahabang kwento pano kami nagkakilala, pano nagging masaya ang ilang buwang relasyon, panno namin minahal ang isa't isa. pero natapos to ng umiiyak ako sa gilid ng kalsada, alas onse ng gabi, habang paulit ulit na binabanggit ang mga katagang 'huwag mo akong iwan'. siguro hindi ko ginagawa ang mga ginagawa ko ngayon dahil kay JM. hindi ko siguro pinili tumira ng Mindoro ng ilang buwan kung magkasama pa din kami ni Jm. siguro hindi ako nasa opisina ngayo nkung hindi sa kanya. siguro, siguro at sana. hindi ko alam kung mabuti ba o nakasama sa akin ang paghihiwalay namin. madalas kong sabihin sa mga kakilala ko, "its not about the situation, its about your response to the situation". (Yan yung simpleng pagsasapraktika ko sa buhay sa teorya ni karlmarx na dialectical materialism.) kaya siguro naging maganda ang kinalabasan ng paghihiwalay namin ni JM.

Iniisip ko nasaktan din kaya si mang romy nung bata pa sya. pag humihingi ng tissue si mang romy saaraw araw, ginamit na nya kaya to para magpunas ng luha dulot ng pag ibig???

ngayon, simula ng seryosong relasyon ko kay leo. magsisimula nanaman akong mag-invest ng feeling para sa kanya. pero ano kaya ang aasahan kong return sa investment na to. hindi ako martyr para umasa sa wala. bobo ka pag hindi ka humingi ng return of iunvestments. madami nyan sa ngayon. pero g*go ka naman pag humihingi ka ng sobra sobra pa sa binigay mo. para kang gahamang kapitalista nagbigay ng candy sa niligawan at sex na agad ang kapalit.

mahal ako ni leo. mahal ko din sya. yun pa lang sa ngayon. hindi ko alam kung gano kalaki ang ilalabas kong emotional investment sa relasyong ito. una, natatakot na din kasi ako. pangalawa, hindi na rin kasi ako sigurado kung may emotional capital pang natira. Na-bankrupt kasi nung panahon na naghiwalay kami ni JM. pero ngayon kahit konti na lang handa ko itong ilabas para kay leo. si leo na tulad ko, hindi naman sobrang gwapo, hindi rin hot, pero handang sumugal sa relasyong ito.



*kung gusto may gusto ka malaman about JM, check out my other blog here.

Thursday, December 30, 2010

Bagong Taon 2011

Bagong taon, ilang oras na lang. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si mang romy. huli nung dumaan ako ng vinzons para magwidthraw at makipagkita sa ilang kaibigan na kung hindi enrolled ay tibak sa peyups.

habang nasa kulob akong kwarto na pinapalamig ng luma kong ercon na gamit ko pa nung elementary pa ako (ilang beses ko na plano palitan to, goldstar pa ang brand, binili sa duty free, pero dahil lagi tong huli sa priority sa budget gang ngayo eto parin ang gamit ko), rinig ko padin ang mga nagpuputukang papel at pulbura a kung hindi nagpapangiti at tawa sa mga batang inuubos ang napamaskuhan sa mga tigpipisong paputok na binebenta sa mga tindahan dito sa amin. di ko na alam kung saan iraraos ni mang romy ang bagong taon, pero tingin ko nung bata bata pa si mang romy naging masaya din ang mga bagong taon niya.


kung ako si mang romy, eto gagawin ko sa bagong taon:

alas 5 ng hapon , Disyembre 31

maliligo na ako. marahil mag-isa lang ako sa vinzons nito o kahit may security guard (hindi ako sigurado, kelan ba nawalan, si mang romy lang talaga makaka-alam niyan). suotin ko yung pinaka bago kong damit, isang puting polo, lumang slacks. magsusuklay ng buhok. dapat yung flat na flat. mahirap ng pangit sa bagong taon.

alas 7 ng gabi,

may naipon akong konting pera. makabili ng fried chicken sa likod. konting lakad pero maabot ko din yan.

alas 11,

aakyat ako sa vinzons rooftop. dito ko sasalubungin ang bagong tao.

11:59:01

huling minuto ng taon. masaya ang buong mundo. naisip na ba nila? na hindi naman talaga sabay sabay ang bagong taon.(kung susundin ang international date line ay sa Caroline Island) kasi hindi naman talaga parepareho ang oras sa iba't ibang lugar sa earth. e bakit pa kelangan ng countdown?

11:59:05

nagsisimula na ang putukan. kitang kita sa bawat bintana ng vinzons rooftop ang lahat ng nagpapaputok sa paligid ng campus. magandang mga ilaw. iba't ibang kulay, titigil ng ilang segundo ang oras ni mang romy dahil sa pagkamangha sa mga nakikita.

11:59:50

huling sampung segundo ng taong 2010. hindi ako hihinga. magiisip ako ng masaya.

11:59:55

pipikit na ako. iisip na marami ang magbabago sa susunod na taon.

11:59:59

ngingiti ako.


12:00:01, Enero 1 2011

didilat ako. bagong taon na. at tapos na ang sampung segundong pangarap na may bago nga talaga sa papasok na taon. hahanap ng pweste san hindi rinig ang putukan, hahanap ng mahihigaan at matutulog na dahil sa umaga haharap nanaman tayo sa katotohanan.

dahil ang tunay na pagbabago. hindi naman talaga nakakamit sa pag-usad ng araw buwat at taon. ito ay nakakamit sa pag-usad ng lipunan mula sa luma patungo sa isang bagong sistema.

Tuesday, December 28, 2010

facebook status ni mang romy.

Kule: Mang Romy, ano ang sinasabi ng puso mo tungkol kay Mila Polinar? Mang Romy: Hindi naman nagsasalita ang puso e. Kule: Ano ba ang ginagawa ng puso? Mang Romy: Nagmamahal.


Ang sweet. :)



facebook status ni mang romy. (April 30 2010 9:30am)

pengeng lima

madalas pag nakikita ako ni mang romy sa vinzons hall kung hindi hihingi yan ng tissue e limang piso. ako naman madalas manuro ng iba para hingan ni mang romy. dahil nakatira sa vinzons na walang kabuhayan dito umiikot ang buhay ni mang romy. umiikot lang sa palima limang piso o pagkaing ibinibigay ng mga estudyante o kawani na nakakasalamuha niya sa vinzons.

pero sa kalakhang bahangi ng bansa, hindi lang naman si mang romy ang nabubuhay araw araw ng ganito. maswerte pa nga ata si mang romy dahil may ilang palapag na building na pwede niyang tawaging tahanan. ilang libong pilipino sa ngayon ang nakatira sa mga kalsada, ilalim ng tulay at kung saan saang sulok ng kamaynilaan na nabubuhay sa gutom. mas marami pa nga ang mga nasa kananayunan, nabubuhay na walang kuryente, malayo sa mga sementadong kalsada at sa modernong lunsod. sa mga matatanda ng tulad ni mang romy, swerte pang may mga estudyanteng nagaalaga sa kanya pero madami na rin akong nakitang matanda ang namamalimos sa daan o kaya nagaararo padin ng lupang kahit mula pagkabata ay tinataniman na pero hanngang sa ngayon ay hindi pa rin napapasakanya.

habang sinusulat ko to nasa opisina akong malamig. lahat ingles magsalita. binabayaran ako ng kulang isang daan piso kada oras. walong oras kada araw. walang katulad ni mangromy dito pero may lola sa labas na nakaupo sa sulok na binibilhan ng yosi ng mga empleyadong naninigarilyo kada break time. mahina na siguro baga ni lola kasimadalas ko na syang nakikita na ngayon na naka facemask para hindi makasinghot ng mga nagyoyoyosi sa tabi niya.

may nagtanong sa akin sa facebook kung saan kaya nagpasko si mang romy. mas naisip ko pano kaya ang bagong taon ni mang romy. siguro kung ako si mang romy,dun ako uupo sa rooftop ng vinzons, manunuod ng mga paputok na kung sana ay ibinili na lang ng masarap na hapunan para kay mang romy, sa libo libong matatanda at mga pulubi na nagugutom araw araw. maganda sa mata. pero hindi nakakapawi ng kalam sa sikmura.

Sunday, December 26, 2010

pogi ka ba?

napansin niyo ba? andaming pogi ngayon.

si mang romy di mo makikitang magulo buhok, mabaho ang suot na damit at madumi ang katawan. sa totoo, sa ilang taon ko ata sa peyups andalas ko makita si mang romy na bagong paligo at nagsusuklay ng buhok. di ko padin nakitang walang pomada ang buhok ni mang rommy.

sa ngayon dumadami ang mga tinatawag na metrosexuals, mga sobrang vain na lalaki. uso na ngayon yung mga pampaganda o pampapapogi na panlalake gaya ng facial wash for men, lotion for men, at kung ano ano pana dating sa babae lang pwede ibenta. naalala ko nung kelangan ko bumili ng concealer para sobrang eyebags ko, natawa ako dahil nahihiya pa ako bumili pero parang sanay na yung sales lady sa tulad kong nagiinarte sa ichura.

bakit ganito?

sa ngayon kahit san ka pumunta, makakakita ka ng napakaraming ads. sa tv, sa celphone, sa radyo, sa kalsada, sa tshirt ng katabi mo sa jeep, at kung saan saan pa imposibleng hindi ka malunod sa nakakaengganyong nilalaman ng mga kumersyal na ito na madalas naman ipinapakita kung gano kadali ang mabuhay kung gagamitin mo ang produkto nila. halimbawa, kapag gumamit ka ng facial wash madali kang pagkakaguluhan ng mga babae at hindi ka magiging SMP. pero kung hindi mo ito nagawa bago dumating ang pasko ayos lang dahiil kahit SMP ka, may iced tea naman na pedeng pampalubag ng loob. umiikot ang buhay natin sa mga produktong nakikita sa ads. hanggang sa umabot na kelangan na nating gamitin ang mga bagay na hindi naman kailangan talaga para mabuhay dahil lang nakakaengganyo ang mahabang buhok ng model ng shampoo o mapapasayaw ka sa indak ng pinakasikat na jinggle ng isang ad.

bumibili tayo dahil sa ads hindi dahil sa pangangailangan na advantage naman sa may ari ng mga kumpanya dahil mas amrami ang bibili sa kanila, e mas malaki ang kanilang kita.

hinuhubog tayo hindi sa kung ano ang gusto natin kundi kung ano ang mas advertized na produkto sa market. syempre mas appealing ka pag mas makinis ang mukha mo o kaya kung mas mahaba o shiny ang buhok mo. kelan ba pumatok sa market ang suot ni melay?

sa dulo't dulo nagiging produkto tayo ng kagustuhang kumita ng mga korporasyong ng bebenta ng mga kalakal na hindi naman talaga kailangan ng tao.
pogi ka nga, ano naman pinagkaiba mo sa burger sa mcdo na masarap dahil may pangalang mcdo?

kaya ako, boto padin kay mang romy. kahit hindi sunod sa uso. pogi parin.